GMA Logo Cheska Iñigo and Xian Lim
Photo by: xianlimm (IG)
What's on TV

Cheska Iñigo praises Xian Lim's professionalism in 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published February 1, 2023 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Cheska Iñigo and Xian Lim


Mapapanood si Cheska Iñigo sa Philippines' first-ever ice skating drama series na 'Hearts On Ice.'

Masaya ang kilalang aktres na si Cheska Iñigo na muling makatrabaho sa isang proyekto ang multi-talented actor na si Xian Lim.

Kabilang si Cheska sa cast ng inaabangang figure skating series na Hearts On Ice, na pinagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian.

Sa interview ng GMANetwork.com, pinuri ni Cheska ang pagiging "professional" ni Xian sa trabaho.

"Actually hindi ito first time na nagkatrabaho kami ni Xian, naging anak ko na si Xian dati," kuwento ng aktres. "Maganda na 'yung energy namin, mayroon na kaming relationship na na-build. Sobrang dali katrabaho ni Xian, such a professional."

Ano kaya ang magiging kaugnayan ng mga karakter nina Cheska at Xian sa serye?

Samantala, patuloy sa taping ang cast ng Hearts On Ice. Kuwento ni Cheska, palaging good vibes ang lahat sa set.

"Sobrang saya po ng taping namin sa Hearts On Ice kasi po ang ganda-ganda nang samahan ng lahat ng cast. Super positive lang po ang lahat at saka kahit medyo mabibigat ang eksena or late na or umaga na good vibes pa rin talaga lahat," sabi niya.

Bukod kay Xian, makakasama rin ni Cheska sa serye sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Antonette Garcia, Kim Perez, Roxie Smith, Ruiz Gomez, at Skye Chua.

Abangan si Cheska bilang Vivian sa Hearts On Ice, simula Marso sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG 'HEARTS ON ICE' SA GALLERY NA ITO: