What's Hot

Chikahan, katatakutan, at tawanan simula May 31!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News



Simula ngayong Sabado, May 31, mapapaaga na ang chikahan natin sa nag-iisang showbiz authority, 'Startalk.' At may mga bagong aaliw sa inyo.

Gusto mo ba maging updated sa mga tsismis at paborito ninyong artista at GMA shows?



Simula ngayong Sabado, May 31, mapapaaga na ang chikahan natin sa nag-iisang showbiz authority. Dahil simula ngayong Sabado, mapapanood na ang Startalk sa bagong timeslot nito at 3:30 p.m.



Patuloy naman tayong aaliwin at patatawanin ni Aling Maliit kasama si Bossing at iba pang Dabarkads sa Vampire ang Daddy Ko at 6 p.m.

Tawagin ang buong pamilya at ihanda na ang popcorn para sa isang family bonding with GMA Blockbusters at 6:45 p.m.!



Hindi lang tayo matututo sa Celebrity Bluff at 9:45 p.m., masusundan din natin ang love-hate relationship nina Uge at Jose. Mapapaisip naman tayo sa mga Gangnamnam habang ipinapaliwanag nila ang pinagmulan ng mga sagot na pagpipilian ng mga kalahok.

At para naman sa katatakutan, nandiyan ang GMA Tales of Horror para kayo ay panginigin at 2:30 p.m.

Huwag palampasin ang Astig Authority marathon from 7 a.m. to 9:10 a.m. Kabilang sa mga ito ang Scooby-Doo! Mystery Inc., Super Book, Angry Birds Toons, Hayate Combat Butler, at Toriko.

Huwag din papahuli sa Adyenda at 5 a.m., Kapwa Ko Mahal Ko at 5:30 a.m., Pinoy MD at 6 a.m., Tropang Potchi at 9:10 a.m., Sarap Diva at 9:40 a.m., Maynila at 10:25 a.m., Eat Bulaga at 11:30 a.m., Wish Ko Lang! at 4:45 p.m., 24 Oras Weekend at 5:30 p.m., Magpakailanman at 8:15 p.m., Celebrity Bluff at 9:45 p.m., I-Witness at 10:45 p.m. at Walang Tulugan at 11:30 p.m.
 
Para sa updates sa GMA shows, ugaliing tingnan ang aming program guide

--Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com