
Umaani ngayon ng reaksyon mula sa netizens ang latest post ni Chito Miranda tungkol sa throwback photos nila ng kanyang asawa na si Neri Naig.
Sa Facebook post ni Chito, makikita ang magkatabing old photos nila ni Neri na parehas na nakunan noong 13 years old pa lamang sila.
Bukod sa mga larawan, kinagiliwan din ng fans at netizens ang kuwento sa likod ng photos na ito at ang sweet caption ng band vocalist.
Ayon sa caption ni Chito, “Eto kami ni Neri nung 13 kami. 2nd year sya nyan sa St.Louis, habang Grade 7 naman ako sa Ateneo. Napakaganda nyaaa!!!"
Paliwanag ng vocalist, "Syempre, hindi kami magka-age (20 na ko nung 13 pa lang sya) pero kinikilig ako isipin na kaya kung 13 kami pareho, tapos girlfriend ko na siya nung time na 'yan, tapos hino-holding hands niya ko, tapos nagki-kiss kami, tapos patay na patay din siya sa akin...haaay nakakakilig!!!"
"Tapos katabi ko sya ngayon, kasal at may pamilya na, masaya at tahimik na nabubuhay sa probinsya...tapos in lab na in lab pa rin siya sa akin, tapos ang ganda ganda niya pa rin," dagdag pa ni Chito na para bang nagkukwento tungkol sa babaeng kanyang pinapangarap na makasama sa buhay.
Pahabol pa niya, "Ay, sorry...totoo na pala yung part na 'yun.”
Sa comments section, ipinaliwanag pa ni Chito na mayroong Grade 7 noon sa kanyang dating eskwelahan.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 42,000 Heart at Like reactions, 1,000 comments, at 1,200 shares ang naturang post.
Narito ang ilang positive comments ng netizens tungkol sa post ni Chito:
Samantala, nito lamang nakaraang buwan ng Abril, mayroon ding ipinost ang OPM icon sa Instagram kung saan inamin niya na minsan daw ay natutulala pa rin siya tuwing tinitingnan niya ang asawang si Neri.
SILIPIN ANG REST HOUSE NINA CHITO MIRANDA AT NERI NAIG SA CAVITE SA GALLERY SA IBABA: