GMA Logo Chito Miranda and Neri Naig
Celebrity Life

Chito Miranda, proud na piniling mag-ipon at mag-invest

By Jansen Ramos
Published January 3, 2021 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Chito Miranda and Neri Naig


Unti-unting bumabalik ang operasyon ng mga negosyo ni Chito Miranda matapos magsara ang mga ito sanhi ng pandemya. Ika niya, "I'm so glad, and admittedly proud, na mas pinili ko mag-ipon at mag-invest, at mamuhay ng simple, instead na maging maluho."

Ibinahagi ni Chito Miranda sa kanyang Instagram account ang kanyang mga realization sa taong nagdaan.

Aminado ang Parokya Ni Edgar frontman na ilan lamang ang kanyang mga negosyo sa mga naapektuhan ng pandemya matapos sunod-sunod magsara ang mga ito.

Kabilang riyan ang Honey's Kimchi, ang Korean fast food restaurant nila ng kanyang bandmate na si Dindin Moreno, at Neri's Not So Secret Garden, isang restaurant at hang-out place na pagmamay-ari ng asawa ni Chito na si Neri Naig.

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)

Kuwento ni Chito, "Kakalipat lang namin ng Kimchi ('yung resto namin ni Dindin) sa Serin (mall dito sa Tagaytay) no'ng December...after a month, pumutok yung Taal.

"Nagsara 'yung Kimchi kasabay ng Neri's Not So Secret Garden dito sa Alfonso.

"Nakapagbukas kami ulit no'ng February, pero bigla namang nag-lockdown no'ng March, at dahil do'n, nagsara kami ulit, but this time, nadamay na din 'yung 3 other restaurants that I partly own.

"Tumigil din bigla 'yung gigs.

"Our gigs, and those restaurants were my primary sources of income...tapos biglang nawala lahat, sabay sabay."

Matapos i-postpone ang operasyon ng kanilang mga negosyo, unti-unti naman nila itong nire-revive sa tulong ng kinikita ni Chito sa mga online gig.

Patuloy niya, "Mabuti na lang nauso 'yung online gigs at naging ok naman si Kimchi eventually hehe! Salamat talaga.

"'Yung Neri's Not So Secret Garden naman, ginawa munang office ni Neri, pero mabubukas na rin ulit soon."

Ayon pa kay Chito, malaki ang naitulong ng kanyang mga investment at paggawa ng mga kanta para mabayaran ang renta ng kanilang pwesto.

Aniya, "I'm so glad, and admittedly proud, na mas pinili ko mag-ipon at mag-invest, at mamuhay ng simple, instead na maging maluho.

"Do'n palang thankful na ko..."

Dugtong niya, "But what I always really pray for is for our family to be safe and healthy, and for me to have more time for them.

"Here I am now, safe and sound with my healthy family, enjoying my long break after working nonstop for more than 25yrs."

Thankful din si Chito sa mga oportunidad na natatanggap ni Neri.

Saad ng singer/entrepreneur, "Kasabay no'n, binigyan ako ng enough free time to help her out, para makapag-focus at matutukan n'ya ng maayos 'yung mga negosyo n'ya, at ma-pursue n'ya 'yung mga goals and dreams n'ya for our family.

"Sabi nga nila, God works in mysterious ways, that everything happens for a reason, and that everything is a blessing in disguise."

Pagtatapos ni Chito, "2020 sucked...pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kasama at mas natututukan ko ang pamilya ko, mas na-appreciate ko yung mga things which were taken for granted, at na-realize ko kung ano talaga ang importante sa buhay."

Silipin ang bahay nina Chito at Neri sa gallery na ito: