
Isang madamdaming rendisyon ng awiting "'Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" ang ibinahagi ng iBilib host na si Chris Tiu kasama pa ang Kapuso stars na sina Arra San Agustin, Roadfill Macasero, at drummer na si Eich Abando.
Mapapanood sa kanilang cover na ginawan ng kakaibang duet at style nina Arra at Roadfil ang nasabing awitin habang pinakita naman ni Chris ang kanyang husay sa pagtugtog ng keyboard na sinabayan pa ni Eich ng beat gamit ang drums.
Sa Instagram, marami ang natuwa sa ginawang rendisyon nina Chris, Arra at Roadfil ng isa sa mga classic OPM love song nina Rey Valera at Sharon Cuneta.
"So awesome, bro! Love this rendition," mensahe ng isang netizen.
May iba naman na humanga sa galing ni Chris sa kanyang mga piano covers.
"Won't get tired listening to your piano covers. I really hope na gumawa ka na ng youtube account. Mga ilang beses ko na din nag-request sa comment hahaha! More covers as solo/group to come," papuri ng isang fan.
Panoorin ang kanilang cover, sa Instagram video na ito:
Samantala, silipin naman ang masayang pamilya ni Chris at kanyang asawa na si Clarisse Ong sa gallery na ito: