
Mapapanood sa Amazing Earth sa June 7 ang iBilib hosts na sina Chris Tiu at Shaira Diaz.
Sa episode ngayong Biyernes ilalahad ng dalawa ang kanilang most memorable travels. Mapapanood ang Kawasan Falls experience ni Chris. Susundan pa ito ng South Korea adventure ni Shaira para sa Running Man Philippines.
Tampok din sa Amazing Earth ang kuwento ni Dingdong Dantes sa kakaibang Minalungao Upsidedown House na matatagpuan sa General Tinio, Nueva Ecija.
Hindi rin papahuli ang mga amazing na narration ni Dingdong ng nature docu-series na Incredible Bugs.
Tutok na sa Best Time Ever na hatid ng Amazing Earth ngayong Biyernes (June 7), 9:35 pm sa GMA Network at Pinoy Hits.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.