GMA Logo Christian Bautista does concert at home
What's Hot

Christian Bautista, may paglilinaw sa layunin ng mga fundraising concert

By Jansen Ramos
Published April 27, 2020 4:13 PM PHT
Updated May 4, 2020 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Christian Bautista does concert at home


Ayon kay Christian Bautista, hindi lang paghingi ng donasyon ang hangarin ng mga online fundraising concert dahil layunin din ng mga itong makapagbigay aliw at inspirasyon ngayong panahon ng pandemya.

Maraming OPM artists ang willing magbahagi ng kanilang talento upang makalikom ng donasyon para sa mga nangangailang sa pamamagitan ng paglahok sa mga fundraising events.

Isa riyan si Christian Bautista na hindi nagdalawang-isip na makiisa sa mga online concert na layong magpa-abot ng tulong lalo na ngayong panahon ng COVID-19 crisis.

"Everyone is willing to help, everyone is excited to perform, and everyone is also excited to inspire," sambit ng Asia's Romantic Balladeer sa isang Skype interview ng GMANetwork.com.

"Parang dati ,no'ng Ondoy, nagkaroon din ng big group who wanted to help and offered their music, gan'yan.

"But at the end of the day also, the artists will eventually be needing to shift somehow because as long as there is no cure, there will be no live events.

"Paano na ang taping, paano na ang concert, paano na ang bar?

"We have to think of ways din how to shift to this new age."

Aware si Christian na iba't iba ang klase ng viewers online kaya hangga't maaari ay binabalanse niya ang kanyang performance.

"When I do fundraising concert, I do my best to balance my words," bahagi niya.

"What I mean is I ask for help or donate to help other people pero, at the same time, I have to realize that maybe some people who need help are watching.

"So parang merong spiels na if you have extra, please give. If you have nothing, then just share this video then maybe someone will be able to give.

"Or pray or encourage one another. Be kind or stay home.

Ipinaalala pa ni Christian na hindi lang paghingi ng pinansyal na tulong ang layunin ng mga fundraising concert dahil hangad din nitong makapagbigay-aliw sa mga manonood habang nasa kani-kanilang mga bahay at makapagbigay ng inspirasyon sa panahon ng pandemya.

"Parang ayoko na laging nanghihingi," diin niya.

"Gusto ko rin sabihin sa mga manonood na I also want to entertain you, as well.

"I also balance my songs na there will be inspirational songs, there will be songs na love songs, or pampasaya na songs o help us maybe remember the good old days."

RELATED CONTENT:

Christian Bautista and Janine Teñoso's "Bukas Wala Nang Ulan" MV aims to help Philippine Red Cross

Kapuso singers collaborate for "We Heal as One"

TINGNAN: Pinoy celebrities, pinairal ang bayanihan sa gitna ng COVID-19