
Naging bukas ang former Lovers & Liars actor na si Christian Vasquez na pag-usapan ang tungkol sa mga natanggap niyang indecent proposal.
Sa panayam ng vlogger and manager na si Ogie Diaz sa 47-year-old actor, nag-kuwento ito tungkol sa natanggap niyang offer na sumama mag-videoke kapalit ng malaking halaga.
Pagbabalik-tanaw ni Christian, “Naalala ko may nag-message sa akin: 'Sir Christian, magkano ba 'pag kukunin ka namin para sa birthday party?'”
“Pero hindi ko alam kung seryoso 'to or hindi ah. Sinagot ko, sabi ko: Ano'ng gagawin?”
Sabi ng versatile actor kay Ogie na nagtataka raw siya sa ibabayad nito para lang makasama siya.
Pagpapatuloy niya, “Medyo malaki-laki ang offer niya kaya hindi ako naniniwala. Sa edad ko pang bargain na ako, hindi na pang malakihang offer.”
Sabi niya dun sa nag-offer: “Naku! Pasensya ka na ha. Hindi ako tumatanggap ng ganiyan, e. Maaga ako natutulog, baka hindi mo na ako mapakinabangan 'pag nag-videoke tayo. Kasi, kadalasan alas otso ng gabi tulog na ako.”
Sundot na tanong ni Ogie: Alam mong meron laman?
“Oo, malinaw naman! Kasi, parang sabi pa niya: 'Dito ka na matulog sa bahay.' Pero siyempre hindi natin alam kung naglalaro lang 'yun o totoo. Either way, kung totoo man 'yung ganun.” ani Christian.
RELATED CONTENT: CELEBRITIES NAKARANAS NG INDECENT PROPOSAL
Last week, napanood si Christian kasama ang Sparkle heartthrob na si Kimson Tan sa viral afternoon talk show na Fast Talk with Boy Abunda.
Heto ang pasilip sa naging guesting dalawa below.