
Challenging para sa seasoned actor na si Christian Vazquez ang "sugar daddy" role na ginagampanan ngayon sa Lovers & Liars, ang pinakabagong collaboration series ng GMA Network at Regal Entertainment.
Ayon sa aktor, ito ang unang pagkakataon na gagawin niya ang ganitong klaseng role kung saan magkakaroon pa siya ng mga daring scene sa mas batang aktres.
Sa Lovers & Liars, napapanood si Christian bilang Victor Tamayo, mayamang negosyante at maimpluwensya ang pamilya. Mayroong asawa at limang anak, pero kilala siya sa pagkakaroon ng side chicks--si Hannah, na ginagampanan ni Lianne Valentin.
"Ang karakter ko rito si Victor Tamayo, isa s'yang businessman, well connected. Isa sa mga highlight ng karakter n'ya sa story is mayroon s'yang batang lover, so isa s'yang sugar daddy," sabi ni Christian sa interview ng GMANetwork.com.
Dagdag niya, "Isa sa mga struggle n'ya rito is 'yung lover n'ya is bata, 'yung dark side n'ya mas lalong lalabas dahil sa selos kasi 'yung lover n'ya napakagandang bata. Kaya very possessive s'ya rito.
"Challenging s'ya kasi first time kong maging sugar daddy. Lahat ng characters actually challenging kasi syempre hindi lang naman ime-memorize mo 'yung script and pupunta ka sa taping tapos gagawin mo, syempre the challenge is paano mo s'ya bibigyan ng buhay, paano mo s'ya lalagyan ng soul.
"Challenging kasi 'yung kaeksena ko she's very young, so kung paano ko s'ya itatawid na gusto kong gawin na mga eksena namin na makatotohanan and at the same time ayoko ring masabihan na nagte-take advantage ako.
"Pero nag-uusap naman kami ni Lianne and in-explain ko naman sa kanya na natatakot din ako pero she just need to trust me kasi 'pag naramdaman ko sa kanya na wala s'yang tiwala sa akin then I cannot do what I have to do."
Sa triple-plot drama series na ito, magkakaroon ng love triangle sa pagitan ng mga karakter nina Christian, Lianne, at Kimson Tan.
Kasama ring bumibida ni Christian sa Lovers & Liars sina Claudine Barretto, Shaira Diaz, Yasser Marta, Rob Gomez, Michelle Vito, Sarah Edwards, at Polo Ravales.
Abangan si Christian sa Lovers & Liars, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG LOVERS & LIARS SA GALLERY NA ITO: