
Masaya ang cast ng bagong dambuhalang adventure-serye sa primetime na Lolong dahil sa mainit na pagtanggap ng viewers sa seryeng pinaghirapan nila.
Sa unang episode kasi nito noong Lunes, nagtala ito ng rating na 17.7 ayon sa Nielsen Philippines. Sa pangalawang episode naman nito kagabi, nagtala ito ng 16.2.
"Maraming salamat po sa lahat ng mga papuri na natanggap po namin. Naway patuloy niyo po sanang suportahan ang 'Lolong.' God bless po," mensahe ng bida nitong si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid.
Ayon naman sa beteranong aktor na si Christopher de Leon, marami pang dapat abangan sa serye.
"I hope everybody enjoyed it. There's more to come. I'm sure it's really going to be an interesting rollercoaster ride for each and everyone," aniya.
Excited naman si Jean Garcia na ipakilala ang kanyang karakter as sa serye na si Dona Banson. Ngayong gabi, July 6, lalabas sa serye si Dona na asawa ng makapangyarihang pulitiko sa Tumahan.
"Sobra, as in, nakakapagod siya. Actually, manapal ka lang ng tao, masakit eh. Masakit din sa palad. Abangan din nila 'yung mga interaction ko with the people of Tumahan," pahayag ng aktres.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras dito:
Panoorin naman ang mga eksenang dapat abangan sa Lolong ngayong gabi, July 6, sa video sa itaas.
Tunghayan ang Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.