
Bukod sa TikTok videos, mapapanood na rin sa social media accounts ni Chuckie Dreyfus ang ilang behind-the-scenes video habang siya ay nasa set ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Kinagigiliwan ngayong ng ilang celebrities at kanyang followers ang isang video na inupload ni Chuckie, kung saan mapapanood ang cast ng serye habang sila ay nasa APEX Medical Hospital.
Mapapanood sa video na nagtatawanan ang ilang cast at production staff ng serye habang ginagawa nina Leo Martinez (Lolo Pepe) at Pinky Amador (Moira) ang isa sa kanilang mga eksena.
Pinasaya ng veteran actor na si Leo ang kanyang mga kasama sa set nang bigla niyang dinagdagan ang kanyang mga linya para kay Moira.
Gigil na gigil pa ang aktor habang nagsasalita at hindi siya nagpapigil kahit itinuturo na sa kanya kung paano siya lalapit sa karakter ni Pinky.
Tila hindi napigilan ng co-stars ni Leo na matawa sa kanyang mga sinabi at ginawa para sa naturang eksena.
Samantala, ang video ay tungkol sa pagsugod ni Lolo Pepe kay Moira nang malaman ng una na pinalayas ng huli ang kanyang anak na si Giselle (Dina Bonnevie) sa APEX.
Panoorin ang eksenang ito:
Patuloy na subaybayan ang mas matitinding eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Huwag palampasin ang mga susunod na tagpo sa hit Kapuso serye mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaari ring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: