GMA Logo Chuckie Dreyfus
SOURCE: GMA Public Affairs
Celebrity Life

Chuckie Dreyfus, nagsalita na sa isyung pangungulimbat umano ng donasyon para sa kapwa aktor

By Hazel Jane Cruz
Published December 20, 2024 5:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcelito Pomoy nang makamayan si Donald Trump sa isang event: 'Once in a lifetime lang po 'yon'
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Chuckie Dreyfus


Ano nga ba ang katotohanan sa panig nina Chuckie Dreyfus pati ng mga kapwa artista na nag-organisa ng nasabing donation drive?

Muling binasag ng That's Entertainment star na si Chuckie Dreyfus ang kaniyang katahimikan ukol sa isyu ng pangungulimbat na ibinato sa kaniya noon kasama sina Nadia Montenegro, Aster Amoyo, at kaniyang misis, ng isang kapwa aktor.

Isiniwalat niya ang kaniyang panig sa December 20 episode ng GTV cooking talk show na Lutong Bahay kasama sina Mikee Quintos at Kuya Dudut.

“Noong time kasi na nagkaroon siya ng problema at dinala siya sa ospital, ako, si Nanay Aster Amoyo, si Nadia Montenegro, at misis ko, nagsama kami para humingi ng tulong [donation],” pagbibigay konteksto ni Chuckie. “Parang GoFundMe ang dating para matulungan ang kaniyang medical needs.”

Ayon kay Chuckie, “But apparently, alam mo na, may kailangan-- kung ano man 'yung pangangailang niyang iba, kulang ['yung donasyon] dahil may gusto siyang iba. Parang ganoon ang dating.”

“Sinabi niya na wala raw siyang tinanggap na pera ni singkong duling. 'Yun pa nga ang term niya: 'Ni singkong duling',” kuwento ng aktor.

Upang bigyang-linaw ang kanilang naturang donation campaign, ipinaliwanag ni Chuckie ang kanilang naging masusing sistema sa pagkalap ng mga donasyon. Aniya, isa ito sa mga nagpasama ng kanilang mga loob.

“Ang ginawa kasi talaga namin bago namin binigay sa kaniya [yung donation], nagkaroon talaga kami ng spreadsheet, [...] nandoon lahat ng pumasok [at] lahat ng lumabas [na pera] kaya medyo sumama ang loob namin na para mo sabihin na ganoon, samantalang ito lahat ng mga ginastos namin para sa [kaniya] at 'yung mga pasobra, pinasok namin sa bangko niya. Account niya mismo,” paliwanag ng aktor.

Matatandaang nag-organisa ito ng donation campaign para kay John Regala noong 2020 matapos mamataang nanghihina at wala sa kondisyon sa Pasay City dahil sa sakit na liver cirrhosis.

Sabi pa ng yumaong aktor sa isang local radio-TV program, “Nasaan na po kaya 'yun? 'Yung tulong na sinasabi nila na kinalap nila?”

Ngunit hindi na pinangalanan pa nina Mikee Quintos o Chuckie Dreyfus ang pinag-usapang aktor sa Lutong Bahay, at sinabing hindi na sila muli pang nagkaayos ng nasabing aktor hanggang sa ito ay pumanaw.

“Hindi na rin talaga [nagkaayos],” ani Chuckie. “Nalaman na lang namin na wala na siya, so parang pinagdasal na lang din talaga namin.”

BALIKAN NAMAN ANG MGA CELEBS NA NAGKAROON NG HEALTH CONCERNS NGAYONG TAON: