GMA Logo Chynna Ortaleza Stellar
Courtesy: chynsortaleza (IG)
Celebrity Life

Chynna Ortaleza at anak na si Stellar, nagpatalbugan ng pose at beach outfit sa Boracay

By EJ Chua
Published May 19, 2023 10:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel escapes NLEX, advances to Philippine Cup semis
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 25, 2025 | Balitang Bisdak
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Chynna Ortaleza Stellar


Umani ng reaksyon mula sa ilang celebrities at netizens ang beach photos nina Chynna Ortaleza at Stellar Cipriano.

Kamakailan lang, labis na kinagiliwan ng ilang celebrities at netizens ang isang post ni Chynna Ortaleza sa Instagram.

Ang naturang post ay tungkol sa anak nila ni Kean Cipriano na si Stellar.

Makikita sa ilang larawan na ibinahagi ni Chynna na nakipagpatalbugan sa kanya si Stellar habang suot ang kanilang swimwear sa Boracay Island.

Ayon sa caption ng celebrity mom, “Yung kinakabog ka na ng panganay mo. Who did it better? Syempre si @stellarcipriano [heart emoji] Swipe! (By the way siya ang may idea ng pose na yan!)

A post shared by Chynna Ortaleza Cipriano (@chynsortaleza)

Bumuhos ang iba't ibang reaksyon at komento ng ilang kaibigan ni Chynna sa showbiz tungkol dito.

Komento ng aktres na si Glaiza de Castro, “Grabe ka Peanut! Paturo nga ng ganyang pose.”

Ayon naman kay Maxene Magalona, “She is a natural [heart emojis].”

Pati ang celebrity mom na si Sheena Halili ay napa-react din, “Alam mo Stellar sa edad kong ito 'di ko na perfect mag-pose. Grabe ka naman.”

Samantala, ang panganay na anak ng celebrity couple na sina Chynna at Kean na si Stellar ay isang loving ate sa kanyang nakababatang kapatid na si Salem.

SILIPIN ANG ADORABLE MOMENTS NI STELLAR CIPRIANO SA GALLERY SA IBABA: