GMA Logo Chynna Ortaleza
Celebrity Life

Chynna Ortaleza recalls how she met Kean Cipriano

By Jimboy Napoles
Published November 23, 2022 7:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Chynna Ortaleza


Sa isang Instagram post, nagkuwento si Chynna Ortaleza kung saan at paano n'ya nakilala si Kean Cipriano.

Binalikan ng celebrity mom na si Chynna Ortaleza kung paano niya unang nakita noon ang kanyang asawa at OPM singer na si Kean Cipriano.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Chynna ang sweet photo nila ni Kean habang nasa beach sa Boracay.

Sa kanyang caption, kinikilig na ikinuwento ng dating aktres ang kanilang naging first meeting.

"From teammates para sa shades back in 2007 to partners for life!," ani Chynna.

Sa Boracay kung saan sila nagbabakasyon ngayon ay ang mismong lugar din pala kung saan sila unang nagkita.

Aniya, "Boracay may magic ka! Na-meet ko na pala asawa ko nun.. akalain mo yun? Ang saya!."

Isang post na ibinahagi ni Chynna Ortaleza Cipriano (@chynsortaleza)

Sa comments section ng kanyang post, agad na nagbigay komento si Kean.

"Well! [emojis] I love you @chynsortaleza!" reply ni Kean.

"@kean landi mo," sagot naman ni Chynna.

Nito lamang November 7, ipinagdiwang nina Chynna at Kean ang kanilang 7th anniversary kung saan nagpalitan sila ng sweet messages para sa isa't isa.

IN PHOTOS: THE BEAUTIFUL FAMILY OF KEAN CIPRIANO AND CHYNNA ORTALEZA