
Nagbalik-bansa ang dating aktres at TV host na si Cindy Kurleto para sa kaniyang ineendorsong produkto.
LOOK: Cindy Kurleto back in PH for an endorsement
Mainit siyang sinalubong ng ilang miyembro ng media sa launch ng kaniyang TV campaign para sa Myra Ultimate ngayong Huwebes, March 7, sa Gallery by Chele sa Taguig City.
Very blooming si Cindy nang humarap sa media at hindi akalaing 40 years old na pala ang Fil-Austrian beauty.
Kasalukuyan siyang naka-base sa Vienna, Austria at abala sa pagiging full-time mom sa kaniyang dalawang anak na sina Noa at Lima.
IN PHOTOS: Celebrities na pinili ang tahimik na buhay sa ibang bansa
"I am full-time mom. I believe it takes a lot of patience and time to be a full time mom, and I love it. It really fulfills me," sabi niya.
Na-miss raw ni Cindy ang Pilipinas, lalo na ang mga nakatrabaho niya noon sa showbiz.
Sa katunayan, magkakaroon sila ng get-together ng Encantadia director na si Mark Reyes, kasama ang mga original Sang'gre na ginampanan nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri bago siya lumipad pabalik ng Austria sa March 16.
Aniya, "I miss working together with other creative people.
“Having people around me with similar mindset, we created something that, you know, withstands the test of time."
Magkakaroon si Cindy ng guest appearance sa noontime show na Eat Bulaga sa Sabado, March 9.
Pahintulutan din kaya niya kung mayroong mag-offer sa kaniya ng acting job?
#TISAY: 10 foreignays who became 'Eat Bulaga' co-hosts
Sagot niya, "If there are any acting jobs out there, I'm always glad to entertain 'cause I love acting.
“Once you catch the acting bug, you will always have it and I love naman all the people here in the Philippines that know how to act.
“The Filipinos have a very special knack for acting, they are very creative and talented, and I love drama."
Babalik si Cindy sa Pilipinas sa Hulyo kasama ang kaniyang asawa na si Daniel at kanilang mga anak para magbakasyon.
Gusto raw ni Cindy na ipakita sa mga ito ang tunay na kagandahan ng bansa sa pamamagitan ng pagbisita sa mga isla ng Siargao, Boracay, at Bohol.
"I'm gonna bring them home. I would love them to fall in love with this place just like when I first came here,” pagtatapos ni Cindy.