
Lubos ang pagluluksa ng aktres na si Claudine Barretto matapos magkasunod na pumanaw ang kapatid na si Mito Barretto noong 2025, at inang si Inday Barretto nito lang January 2026. At sa pagluluksa niyang iyon, nakaramay niya ang kaniyang Cosme Family mula sa Home Along Da Riles: Da Reunion.
Kasama sina Boy2 Quizon at Vandolph Quizon sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, June 12, inamin ni Claudine na ngayon pa lang pinoproseso ng kaniyang pamilya ang nararamdaman nila nang pumanaw ang ina na si Inday.
Pag-amin ni Claudine, “I wouldn't be able na makayanan lahat 'to kung wala 'yung Cosme family ko, totoo lang. There are days na hindi ko talaga kaya, alam n'yo 'yun, kaya kahit madaling araw, 24/7 naka-stand by 'yang dalawang 'yan, and si Maybe, si Maybelyn.”
Pag-amin ni Claudine, isa sa mga ma-mi-miss niya mula kay Inday, ang pagtawag niya dito para magkuwento. Aniya, hindi niya maaalis ang habit na tawagan ang kaniyang ina.
Ibinahagi rin ni Claudine ang nalalaman niya tungkol sa pagluluksa, “It stays, and it just gets worse than it was. And we were talking earlier: habang may mga magulang kayo, please, mahalin n'yo ang mga magulang ninyo, lalo na ang nanay n'yo. Hindi n'yo alam kung gaano kaimportante ang isang nanay talaga sa isang pamilya.”
TINGNAN ANG REUNION NG BARRETTO SIBLINGS SA BUROL NG KANILANG INA SA GALLERY NA ITO:
Noong September 23, 2025 nang mag-post si Claudine ng isang heartfelt Instagram post tungkol sa pagpanaw ni Mito, “I can't believe you left us this soon. My heart & soul is broken. Rest in paradise where there is no pain. I love you always and forever will.”
Nitong January 2026 naman, inilahad ng kaniyang kapatid na si Joaquin Barretto ang pagpanaw ng kanilang ina sa kaniyang Facebook post, “Rest in peace, Mom. I love you.”
Sa post naman ni Claudine, pinasalamatan niya ang kaniyang mga kapatid at pamilya nila, “To my brother & all my sisters, thank you 🙏 Magulo man po kami, but in grief we are all united. We all did our part. JJ, Michie, Gia, G ,Marjorie & all the apos pati apo sa tuhod. Pantay-pantay inalagaan ang mommy.”
Panoorin ang panayam kay Claudine dito: