GMA Logo Claudine Barretto, Family Feud
What's on TV

Claudine Barretto, maglalaro sa 'Family Feud' ngayong Miyerkules

By Jimboy Napoles
Published June 7, 2023 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Claudine Barretto, Family Feud


Ito ang kauna-unahang paglalaro ni Claudine Barretto sa isang game show.

Sa huling Miyerkules ng Family Feud, makikisaya sa hulaan ng top survey answers ang tinaguriang Optimum Star na si Claudine Barretto.

Sa inilabas na teaser ng nasabing programa, sinabi ni Claudine na ito ang kauna-unahang beses na maglalaro siya sa isang game show.

Kasama ni Claudine na maglalaro sa Family Feud ang talent manager at film producer na si Arnold L. Vegafria kasama ang mga ALV talents na sina Juan Carlos Galano at agent veteran Maria Gigante.

Makakalaban nina Claudine ang Team Palong-Palo na pinangungunahan ni KC Montero kasama sina Wacky Kiray, Donita Nose, at Verna.

Sa isang panayam kasama ang game master ng Family Feud na si Dingdong Dantes, sinabi ng aktor na hindi naman magtatagal ang season break ng programa at agad din itong magbabalik nang may mas exciting na papremyo.

Pero pag-amin ni Dingdong, tiyak na mami-miss niya rin ang programa kahit pa sandali lamang itong mawawala.

Aniya, “Kakaibang saya po kasi talaga ang dinudulot at binibigay nito, hindi lang sa akin kung 'di sa mga manonood so siyempre mami-miss ko po talaga ang Family Feud.”

Tumutok sa last three days ng Family Feud, simula ngayong Miyerkules, June 7, 5:40 p.m. sa GMA.


BALIKAN ANG ILAN SA TRENDING EPISODES NG FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: