
Nakatanggap ng regalo si Claudine Barretto sa dating Lovers & Liars co-star na si Yasser Marta.
Sa Instagram post noong April 3, ipinakita ni Claudine ang bagong white sneakers mula sa high-end brand na Golden Goose. Nagpasalamat din ang aktres sa natanggap na regalong ito mula sa aktor.
"Super late thank you @itsyassermarta. Luv my rubber shoes," sulat ni Claudine.
Komento ni Yasser na may kasamang smiley emoji, "Bagay sa 'yo."
Nagkasama sina Claudine at Yasser sa triple-plot drama series na Lovers & Liars, na napanood sa GMA Prime noong November 2023.
Sa serye, nakilala si Claudine bilang Via Laurente, CEO ng isang malaking real estate company na nagkaroon ng relasyon sa batang arkitekto ng kanyang kompanya na si Caloy Marasigan (Yasser). Nagkaroon ng love triangle ang kanilang mga karakter kay Nika Aquino, na ginampanan ni Shaira Diaz.
SAMANTALA, TINGNAN ANG HOTTEST PHOTOS NI YASSER MARTA SA GALLERY NA ITO: