GMA Logo Coach Jay
Photo source: Michael Paunlagui
What's on TV

Coach Jay, nais magbigay inspirasyon sa 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published June 25, 2025 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Coach Jay


Coach Jay sa nalalapit na paglabas ng 'Stars on the Floor': "Kapag pinapanood mo 'yung mga sasalang dito, mai-inspire ka talaga tulad ko nai-inspire."

Hindi lang basta tagisan ng galing sa dance floor ang gusto mangyari ng dance authority na si Coach Jay sa Stars on the Floor kundi pati ang magbigay inspirasyon sa mga manonood.

Sa grand mediacon ng upcoming dance competition, ibinahagi ng Dance Trend Master kung paano niya nais mag-iwan ng matinding epekto at inspirasyon sa mga manonood sa pamamagitan ng naturang palabas.

Nagbigay din ang dancer ng mensahe sa mga tao para ito ay ma-inspire habang napapanood ang hatawan sa dance floor.

"Dapat open ka rin para ma-inspire ka kasi kung negative ka na, close-minded ka na sa lahat ng napapanood mo, wala ka ng nakikitang positive, so hindi ka mai-inspire 'dun," sabi ni Coach Jay.

Ipinaliwanag nito na importante na manatili na bukas ang mata sa panonood ng iba't ibang sayaw o genre para ma-appreciate ang talento ng iba.

Dagdag nito, "Napakahalaga na nanonood tayo ng mga lakas din ng iba kasi kapag hindi ka willing na alam mo 'yun tignan din 'yung art ng iba so parang mai-inspire ka, kailangan mo din maging humble kasi nga para open ka, wala kang pride."

"Kapag pinapanood mo yung mga sasalang dito, mai-inspire ka talaga tulad ko nai-inspire," sabi ng Dance Trend Master.

Naikuwento din ni Coach Jay ang kanilang naging usapan ng SB19 member na si Pablo. Humirit daw ang P-pop idol tungkol sa title ng show at sinabi nito na "Star ka pero dapat on the floor ka pa rin kasi magiging open ka sa ganoong paraan."

Si Coach Jay ay ang choreographer ng SB19 na nagpasikat ng mga sayaw tulad ng "Moonlight," "GENTO," "DAM," at "Dungka."

Makakasama ni Coach Jay sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Dance Comedienne of the Dance Floor Pokwang sa dance authority panel.

Handa nang magpasiklaban sa sayawan ang celebrity dance stars na sina Glaiza de Castro, Rodjun Cruz, Faith da Silva, Thea Astley, at VXON Patrick. Samantala, ang digital dance stars na sina Zeus Collins, Dasuri Choi, JM Yrreverre, Kakai Almeda, at Joshua Decena ay handa na din makipagsabayan sa dance floor.

Abangan ang Stars on the Floor ngayong June 28 na sa GMA.

Kilalanin sa gallery na ito ang dance authority ng 'Stars on the Floor' na si Coach Jay: