GMA Logo Pablo, Justin, Coach Jay
Photo source: 24 Oras
What's Hot

SB19 members Pablo at Justin, all-out ang suporta kay Coach Jay sa 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published May 27, 2025 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Pablo, Justin, Coach Jay


Nagbigay ng suporta ang SB19 members na sina Pablo at Justin para sa upcoming show ni Coach Jay na 'Stars on the Floor.'

Hindi nagpahuli sa pagsuporta ang SB19 members na sina Pablo at Justin sa kanilang coach na si Coach Jay Joseph na ngayon ay isa na sa dance authority sa upcoming dance competition na Stars on the Floor.

Sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Lunes, May 26, masaya sina Pablo at Justin para kay Coach Jay dahil maibabahagi na nito ang kahusayan sa pagsasayaw sa bago nitong show.

"Actually, hindi nga lang yung pag-choreograph 'e, kasi more than that yung binibigay ni Kuya Jay. Kumbaga, binibigyan niya kami ng passion, pinapalakas niya yung loob namin whenever we perform," sabi ni Justin.

Nagbigay din ng payo si Pablo bilang dating judge ng The Voice Kids.

"Sanay na po siya 'e. Kumbaga marami siyang makukulit na tinuturuan 'e, W3, tayo SB19. Alam mong sincere yung sinasabi niya, alam mong makakatulong sayo. Ayun lang, be you, kumbaga lalabas na 'yun tapos mas marami kang matutulungan lalo na dito sa Stars on the Floor," sabi ni Pablo.

Naghahanda din si Coach Jay at ang SB19 para sa upcoming concert nila na Simula at Wakas World Tour sa Philippine Arena.

Makakasama ni Coach Jay sina Marian Rivera at Pokwang sa dance authority panel sa Stars on the Floor.

Abangan si Coach Jay bilang Dance Trend Master ng dance authority panel sa Stars on the Floor ngayong June sa GMA.

Panoorin ang buong balita dito:

Kilalanin dito ang dance authority panel ng Stars on the Floor: