
Tuesday funday ang aabangan sa Family Feud dahil may unforgettable clash of music legends and hitmakers!
Ngayong September 23, samahan natin ang coaches ng The Voice Kids Philippines at vocal group na The Company sa pagsagot ng survey questions.
Maglalaro sa The Voice Kids Philippines ang superstar coaches, great mentors at survey-smart players. Si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose; Paolo and Miguel Guico ng popular indie folk-pop band na Ben&Ben; at ang singer-songwriter Zack Tabudlo na naging contestant sa The Voice Kids.
Makakatapat nila ang Asia's premier vocal group na The Company na nagse-celebrate ng kanilang 40th anniversary. Maglalaro sa Family Feud ang music veterans na sina Moy Ortiz, Annie Quintos, Sweet Plantado, and OJ Mariano. Ipakikita nila ang kanilang elegance, wit, and musical brilliance ngayong Martes.
Abangan ang tapatan ng musical hitmakers ngayong Martes sa Family Feud, 5:40 p.m. sa GMA
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: