
Fun-filled Monday episode kasama ang mga comedians, award-winning actors and directors ang aabangan sa Family Feud!
Ngayong October 20, saksihan sa Family Feud stage ang quick wit and logic ng I Laugh You Very Much at Team Juan.
Ang I Laugh You Very Much ay pangungunahan ng actress-host-comedienne na si Pokwang. Makakasama niya ang mga beteranong stand-up comedians na sina Pooh at Chad Kinis, at ang “mamu” o mother ng comedy bar scene na si Direk Andrew de Real.
Maglalaro naman sa Team Juan ang multi-awarded actress na si Alessandra de Rossi na direktor ng Everyone Knows Every Juan. Makakasama niya ang cast ng pelikula, ang premyadong direktor na si Gina Alajar, Sang'gre Kelvin Miranda, at online comedy sensation na si Charuth.
Exciting na pagalingan sa pagsagot ng top answer sa survey board ang mapapanood sa Family Feud ngayong October 20, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: