GMA Logo Family Feud Comic Avengers
What's on TV

Comic Avengers, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published July 12, 2022 7:15 PM PHT
Updated July 12, 2022 10:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Comic Avengers


Wagi ang team Comic Avengers laban sa team Deltan Sisters ni former Commissioner Rowena Guanzon sa kanilang paglalaro sa 'Family Feud.'

Isang intense na bardagulan ang naipanalo ng team Comic Avengers laban sa Deltan Sisters ni former Commission On Elections (COMELEC) Commissioner na si Atty. Rowena Guanzon sa kanilang paglalaro sa Family Feud ngayong Martes, July 12.

Sa nasabing episode, panalo ng PhP200,000 jackpot prize ang team Comic Avengers na binubuo ng stand-up comedians at impersonators na sina Michelle, Mamu Andrew, Gray, at Taki laban sa grupo ni Atty. Guanzon kasama ang ilan sa kanyang mga Deltan sisters gaya ni Congresswoman Bernadette Herrera-Dy.

Leading na sana ang Deltan sisters sa first three rounds ng game show sa score na 168 points ngunit nakabawi pa sa fourth round ang team Comic Avengers kung saan triple ang pwedeng maging score. Dito ay nakakuha sila ng score na 346 points.

Sina Michelle at Mamu Andrew ang sumalang sa fast money round kung saan nakakuha sila ng saktong 200 points na kinakailangan upang makuha ang jackpot prize.

Ang team Comic Avengers na ang latest jackpot prize winner ng Family Feud, sinundan nila ang team Kids at Heart na binubuo ng mga dating child stars na sina Jaypee De Guzman, RR Herrera, Kathleen Go Quieng, at Atong Redillas.

Makatatanggap naman ng PhP20,000 ang Golden Gays bilang napiling charity beneficiary ng winning team.

Samantala, bukas na rin ang pintuan ng Family Feud para mga nais maging studio live audience, magtungo lamang sa GMANetwork.com para sa iba pang detalye.

KILALANIN NAMAN ANG ILANG COMIC BOOK CHARACTERS NA PARTE NG LGBTQIA+ COMMUNITY SA GALLERY NA ITO: