GMA Logo Kylie Padilla, Aj Raval, Aljur Abrenica
Courtesy: kylienicolepadilla (IG), ajravsss (IG)
What's Hot

Comment ni Kylie Padilla sa revelation ni AJ Raval, pinuri ng netizens

By EJ Chua
Published November 13, 2025 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala cheered on by Gauff, Mboko after SEA Games run
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla, Aj Raval, Aljur Abrenica


Netizens kay Kylie Padilla sa pagkakaroon ng mga anak nina Aljur Abrenica at AJ Raval: “Ibang level ang maturity mo."

Kasalukuyang pinag-uusapan sa social media ang naging komento ni Kylie Padilla sa rebelasyon ni AJ Raval tungkol sa pagkakaroon niya ng tatlong anak kay Aljur Abrenica.

Bumuhos ang papuri ng netizens kay Kylie dahil sa maayos na mensahe na ipinaabot niya kina AJ at Aljur tungkol sa mabigat na sikretong matagal nilang inilihim sa publiko.

Pahayag ni Kylie, “Ito lang po comment ko para matapos na, matagal ko na pong alam pero syempre inuna po namin ang kapakanan ng mga bata. Sobrang close sila at 'yun ang pinaka importante.”

“Happy that now 'di na kailangan magtago. Proud of you. Peace all around. Sana matapos na drama,” pahabol pa ng celebrity mom.

Sa comments section ng kanyang post, mababasa ang iba't ibang reaksyon ng netizens tungkol sa post ni Kylie.

Marami sa kanila ay talaga namang humanga sa kakaibang level umano ng kanyang maturity.

Narito ang ilang comments ng netizens:

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 400,000 hearts, likes, at care reactions ang naturang post.

Sina Kylie at Aljur ay mayroong dalawang anak—sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Matatandaang sa kanyang previous interviews sa GMA Integrated News, inilahad ni Kylie na ipinagpapasalamat niya ang patuloy na pagbuhos ng blessings sa kanyang career at pamilya.

Related gallery: Kylie Padilla's sweet moments with her kids