What's Hot

CONFIRMED: Marian Rivera, mapapanood sa MMFF 2018

Published November 25, 2018 4:23 PM PHT
Updated November 25, 2018 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News



Tiyak na matutuwa ang fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil kahit buntis at busy sa showbiz commitments ay mapapanood rin nila ang kanilang idolo sa inaabangang Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong December.

Tiyak na matutuwa ang fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil kahit buntis at busy sa showbiz commitments ay mapapanood rin nila ang kanilang idolo sa inaabangang Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong December.

READ: Marian Rivera, hands-on pa rin sa Christmas preparations kahit buntis

Sa isang interview sa Mega Prime Mom Club workshop na ginanap sa Quezon City kamakailan, kinumpirma ni Marian na may cameo role siya sa pelikula nina Vice Ganda, Richard Gutierrez at Dingdong Dantes na 'Fantastica.'

"Oo, may cameo role ako sa 'Fantastica,' of course with Vice Ganda and Dong," ang nakangiting sabi ng Kapuso actress.

Matatandaan na lumikha ng ingay sa social media nang bumisita si Marian sa set ng nasabing pelikulang.

WATCH: Vice Ganda, gandang-ganda kay Marian Rivera

Nabanggit din ng Kapuso actress na ipinagpaalam niya ang kanyang paglabas sa pelikulang ito sa kanyang home network, ang GMA at sa kanyang Triple A family sa isa pang panayam.

Video from Movies and Music YouTube channel