GMA Logo First Lady
What's on TV

CONFIRMED: Top-rating Kapuso series na 'First Lady,' extended!

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 22, 2022 7:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

First Lady


Mas matagal n'yo nang mapapanood ang 'First Lady' sa telebisyon! Maraming salamat sa suporta, mga Kapuso!

Nasa ikalawang linggo pa lang ang highly-anticipated GMA Telebabad series na First Lady pero kumpirmado na ang balitang ma-e-extend pa ito.

Ang orihinal na plano ay 14 weeks lamang ang itatakbo ng First Lady, na sequel sa number one program ng 2021 na First Yaya. Pero dahil sa mataas nitong ratings, mas matagal pa itong mapapanood sa telebisyon.

Ayon sa NUTAM People Ratings, ang average combined ratings ng First Lady sa pilot week nito ay 14.4%, mas mataas kumpara sa nakuha ng katapat nito na 10.3%.

Sa episode kagabi, February 21, kung saan unang napanood ang batikang aktres na si Alice Dixson bilang si Ingrid Domingo, nagtala ang First Lady ng 14.5% combined ratings samantalang nakakuha lamang ng 10.3% ang katapat nito.

Umiikot ang kuwento ng First Lady sa buhay ni Melody (Sanya Lopez) na mula sa pagiging yaya ay naging First Lady nang mapangasawa niya si Glenn (Gabby Concepcion).

Patuloy na panoorin ang paganda na pagandang kuwento ng First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, kilalanin ang mga karakter ng First Lady na siguradong mapapamahal sa inyo sa gallery na ito: