
Nagdiwang ang netizens, gabi ng February 5, nang ianunsiyo ng social media couple na sina Cong TV at Viy Cortez sa kanilang latest vlog ang gender ng kanilang magiging anak.
Mapapanood sa vlog ang paglipad ng isang helicopter kung saan lumabas ang kulay asul na usok na senyales na isang baby boy ang paparating na anak ng dalawa.
Makikita sa video na bumuhos ang emosyon ng YouTube couple na sina Cong at Viy habang napatalon naman sa saya ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan.
Bigla na nga lang daw nanakbo si Cong paikot sa venue sa sobrang tuwa.
"Alam n'yo guys kung bakit sobrang epic, nu'ng nalaman kong boy, hinanap ko si Cong pero hindi ko siya makita. Nasaan ka ba [Cong]?," masayang sinabi ni Viy.
"Sa sobrang tuwa ko napatakbo ako. [Pero masaya ka?] Sobra," pagbabahagi naman ni Cong.
"Hindi ko talaga alam kaya ako naiyak. Inaasahan ko talaga ay boy, ina-attract ko talaga boy kasi puro kami girls sa bahay," pagbabahagi pa ni Viy.
"Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon," ani Cong.
Pagkatapos ng gender reveal, dumiretso sa isa pang venue ang Team Payaman para sa isang salu-salo. Dito ay nagbigay din ng mensahe ang mga magulang nina Cong at Viy para sa kanilang binubuong pamilya.
December 2020, nang mapabalitang nakunan si Viy na dapat sana'y panganay nila ni Cong. Kaya naman labis na lang ang kanilang tuwa nang malaman na biniyayaan ulit sila ng anak.
Sa ngayon ay nasa No. 1 top trending YouTube video sa Pilipinas ang "Little Cong or Little Viy " vlog na ito ng dalawa. Panoorin DITO:
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang YouTube celebrity couples na dumaan sa pagsubok ang relasyon at pagsasama: