GMA Logo Connie Sison, Scoliosis
Source: conniesison8 (TikTok)
Celebrity Life

Connie Sison, ibinahagi ang iniindang sakit

By Jimboy Napoles
Published September 27, 2023 5:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

Connie Sison, Scoliosis


Ibinahagi ng GMA News broadcaster na si Connie Sison sa social media ang kanyang iniindang sakit.

Sa isang TikTok video, ibinahagi ng GMA News broadcaster at journalist na si Connie Sison na siya ay nagkaroon ng mild scoliosis na dahilan kung bakit nananakit ang kanyang likod.

Kuwento ni Connie sa kaniyang video, “Diyos ko talagang hindi ko na kinakaya itong likod ko. It's so painful. Mga two weeks ko na iniinda itong [sakit ng] likod ko. So, magpapatingin na ako dito sa Center for Musculoskeletal Science - Asia.”

Sa naturang video, ipinasilip ni Connie ang kanyang naging consultation sa doktor kung saan nga nakita sa kanyang XRAY result ang baluktot na spine sa kanyang likod.

Matapos ito, sumalang sa shockwave therapy si Connie upang maibsan ang pananakit ng kanyang likuran.

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA MAY SCOLIOSIS SA GALLERY NA ITO:

Paalala naman ni Connie, magtungo at kumonsulta sa mga lehitimong doktor sa kahit ano mang consultation o treatment na ipagagawa.

Panoorin ang kanyang TikTok video RITO:

@conniesison8

♬ original sound - CONNIE SISON

Mapapanood si Connie sa isa sa news program ng GMA Integrated News na Balita Ko sa GTV kasama ang kapwa journalist na si Raffy Tima.