
Nagpaalam na ang batikang radio/TV host at broadcast journalist na si Connie Sison sa flagship morning ng GMA na Unang Hirit (UH).
Partikular na napanood si Connie bilang news anchor ng news segment ng Unang Hirit na “Unang Balita,” at sa iba pang segment ng programa sa loob ng 13 taon.
Nagbigay-pugay naman sa kanya ang mga kasamahan niya sa Unang Hirit kabilang na ang co-host at kaibigan niyang si Suzi Entrata-Abrera sa huling araw niya sa longest-running morning show sa bansa ngayong February 28.
Sa farewell message ni Suzi para kay Connie, sabi niya, "Bittersweet morning as my dearest co-host and great friend mars @connie_sison bid goodbye to @unanghirit.”
"Thirteen years flew by!! My mars did amazing work as a broadcaster, reporter, host. And best of all, she was a good friend to all…sa aming mga co-host, sa mga staff, sa Lahat! Super galante pa! Konting kantyaw lang game agad magpabili ng pandesal…and di kami nakakalimutan sa 5th floor Kahit malayo kami sa studio nila…" aniya.
"No final goodbyes, just see you around" ika nga dahil magkikita-kita pa rin sila sa compound ng GMA dahil nananatiling host si Connie ng radio show niyang Pinoy MD sa Dobol B at One on One: Walang Personalan na umaga ring napapakinggan sa Super Radyo DZBB 594khz, ang flagship AM radio station ng GMA, at napapanood sa GTV. Nanatili ring news anchor si Connie ng noontime newscast na Balitanghali kasama si Raffy Tima at host ng weekly magazine program na Pinoy MD.
Dugtong ni Suzi, "Love you mars @connie_sison !!...happy that I'll still get to see you on some mornings while you get ready for your radio show. Or when we go to each other's houses for drinks hahaha!”
Patuloy pa niya, "Enjoy the extra couple of hours of sleep mars!! Will do wonders for your health and give you more time with family…this was a good decision…#salamatConnie."
Noong October 17, 2022, nagkaroon ng medical emergency si Connie sa kalagitnaan ng radio show niya matapos makaramdam ng sakit sa buong parte ng kanyang tiyan at pagsusuka.
Kinailangan siyang dalhin sa ospital kung saan niya nalamang nasa third stage na ang kanyang appendicitis at gangrenous o nabubulok na ang kanyang appendix. Naramdaman din ni Connie na nag-concentrate na ang sakit sa ibabang kanang bahagi ng kanyang tiyan na senyales na maaari nang pumutok ang kanyang appendix anumang oras.
Agad namang sumailalim si Connie sa laparoscopic appendectomy bago pa ito lumala.
Ang UH Barkada ay binubuo nina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Mariz Umali, Suzi Entrata-Abrera, at Lyn Ching, at ang mga eksperto na sina Nathaniel “Mang Tani” Cruz at Atty. Gaby Concepcion.
Parte rin ng Unang Hirit sina Chef JR Royol, Shaira Diaz, at Kaloy Tingcungco.
KILALANIN ANG UH BARKADA SA GALLERY NA ITO: