
Nag-celebrate ng isang major social media milestone ang distinguished educator na ngayon ay content creator na si Dr. Ronwaldo “Ronie” Endozo na kilala rin bilang si Sir Ronie.
Kamakailan lang ay umabot na na sa 3 million ang followers ni Sir Ronie sa Facebook na labis niyang ikinatuwa pati na rin ng mga taong sumusubaybay sa kanyang videos.
Si Sir Ronie ay isa ring cultural artist at businessman.
Siya ay kilala rin ng marami bilang owner ng isang restaurant sa Batangas.
Naaantig ang netizens sa kanyang vlogs, kung saan tampok ang life stories ng kanyang mga restaurant staff na talaga namang marami ang nakaka-relate.
Ibinabahagi rin niya sa kanyang mga video kung paano niya itinuturing na pamilya ang mga kasamahan niya sa restaurant at ang bukal sa pusong pagtulong niya sa kanila.
Sa pamamagitan ng mga video, nakakaabot din sa iba't ibang bansa ang istorya ng kanyang staff at dahil dito ay nagkakaroon sila ng mga sponsor sa pag-aaral at nadadagdagan din ang mga tumutulong para magbigay ng financial assistance.
Marami rin ang dumadayo sa kanilang restaurant upang personal siyang makita at magpaabot ng suporta.
Si Sir Ronie ay talaga namang isa na sa Filipino content creators na mayroon nang milyun-milyong followers online.
RELATED CONTENT: Kilalanin ang ilan pang sikat at rising vloggers sa gallery sa ibaba