
Tapatan ng content creators at veteran entertainment journalists ang masasaksihan sa masaya at puno ng papremyong Miyerkules ng Family Feud.
Ngayong August 20, masasaksihan ang bagong face-off sa Family Feud stage at siguradong aabangan din ng mga home viewers ang Guess More, Win More promo. Sa Guess More, Win More promo, walong winners ang mananalo ng PhP 10,000 araw-araw at isa ang may pagkakataong makapag-uwi ng PhP 100,000 kada linggo sa Family Feud.
Maglalaro sa The Slayers ang former child star-turned-comedian and content creator na si Awra Briguela. Makakasama niya sa Family Feud ang mga kaibigan at fellow content creators na sina Melissa Enriquez, Lantis Espiritu, at Argie Roquero.
Mapapanood naman sa The Scoop Squad ang ilan sa mga entertainment journalists sa bansa. Maglalarong leader ng The Scoop Squad ang veteran entertainment journalist, host, talent manager, at online content creator na si Aster Amoyo. Makakasama niya ang Philippine Star columnist na si Dolly Anne Carvajal, entertainment editor Dondon Sermino, at ang veteran journalist and former TV segment host na si Rey Pumaloy.
Kilalanin ang magwawagi sa Wednesday night tapatan sa Family Feud, 5:40 p.m. sa GMA.
Ngayong Agosto, uulan ng saya at babaha ng papremyo sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: