What's on TV

Controversial scenes sa 'Karelasyon,' mapapanood online

By Jansen Ramos
Published June 2, 2020 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alagad ng Simbahan, may nilinaw tungkol sa ilang lumang paniniwala tuwing Semana Santa
State of local emergency declared in Tawi-Tawi town due to fuel supply shortage
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong

Article Inside Page


Showbiz News

Karelasyon


Balikan ang mga nakakaintrigang eksena sa Kapuso drama anthology na 'Karelasyon' simula ngayong Martes, June 2, 7 p.m. sa YouTube channel ng GMA.

Muling matutunghayan ang mga nakaiintriga at top trending na eksenang tampok sa 2015-2017 Kapuso weekly program na Karelasyon.

Balikan ang mga kontrobersyal na kuwento ng pag-iibigan simula ngayong Martes, June 2, alas siyete ng gabi sa official YouTube channel ng GMA Network.

Mula sa GMA Public Affairs, ang Karelasyon ay isang drama anthology na naglalahad ng totoong karanasan ng mga magkarelasyong nagkaroon ng matinding hamon sa pagsasama.

Gayundin ang mga problema tulad ng pagkakaroon ng kabit; lihim na pagkatao; sobrang selos, ambisyon o bisyo; problema sa pamilya o katrabaho; obsesyon sa sex, pera o materyal na bagay.

Sa pamamagitan ng mga pagsasadulang pinagbidahan ng Kapuso stars, at sa panulat at direksyon ng mahuhusay na independent film writers and directors, ipinapakita sa Karelasyon kung anong hirap, sakit, kontrobersiya o trahedya ang pinagdaraanan at hinaharap ng ilang kababayan natin nang dahil sa pag-ibig.

Kung nais n'yong mapanood ang full episodes ng programa, bumisita lamang sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Ang Karelasyon ay ipinalabas sa GMA-7 mula April 2015 hanggang May 2017.

Ito ay ini-host ng aktres na si Carla Abellana.