
Ngayong Biyernes sa Family Feud, may masayang tapatan ng sports at musika.
Tampok ngayong May 8 ang Volley Babes, isang grupo ng athletes at content creators na nabuo dahil sa kanilang hilig sa volleyball. Makakaharap nila ang Galawgaw Boys, ang all-male group na puno ng energy, sayawan, at musika.
Pinangungunahan ni Criselda Alvarez ang Volley Babes. Siya ay isang volleyball enthusiast na may mahigit 16 million followers sa social media. kasama niya si Max Abliter na mahilig din sa volleyball at pagkanta. Kasama rin sa grupo sina Gregchelle Cabadin ng Mapua Lady Cardinals at dating professional volleyball player na si Dea Aldea, na ngayon ay aktibo na rin sa pageantry at spoken word performances.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Samantala pamumunuan ng actor-dancer na si Zeus Collins ang Galawgaw Boys. Kasama niya sina rapper J-Skeelz, entrepreneur at content creator na si Kikz, at Tondo-born artist na si Mike Kosa. Nabuo ang kanilang grupo mula sa simpleng barkadahan na nauwi sa paggawa ng dance track ni Zeus na “Galawgaw.”
Mapapanood din sa episode na ito ang dance moves ng Galawgaw Boys sa Family Feud stage.
Abangan ang masayang sagutan, tawanan, at performance sa fresh episode ng Family Feud ngayong May 8, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.