
Sa March 17 episode ng Love Of My Life ipinakita na ang mga bagong karakter na may kinalaman sa nakaraan ni Kelly (Rhian Ramos).
Dito ipinakilala si Edong (William Lorenzo), ang huthuterong ama ni Kelly. Manghihingi siya ng pera sa anak na pambayad daw ng kaniyang utang kahit hindi naman ito totoo.
Lingid sa kaalaman ni Kelly, mapupunta lang pala ang perang ito sa pangalawang pamilya ni Edong; sa asawa nitong si Jessa (Crystal Paras) at kanilang anak na si Janina (Angelica Ulip).
Panoorin ang eksenang ito sa Love Of My Life:
Abangan ang mga mahuhusay na aktor na sina William Lorenzo, Crystal Paras, at Angelica Ulip sa Love Of My Life.
Hinahanap-hanap pa rin talaga ni Kelly ang pagmamahal ng kanyang ama!#LOMLKellysBaggage#LoveOfMyLife pic.twitter.com/mgIYPulB7O
-- GMA Drama (@GMADrama) March 17, 2020
Dahil sa enhanced community quarantine dahil sa COVD-19, pansamantalang huminto muna ang Love Of My Life Team sa kanilang taping. Simula March 23, muling mapapanood sa GMA Telebabad ang kontrobersyal na seryeng My Husband's Lover na pinagbibidahan din nina Carla Abellana at Tom Rodriguez together with Dennis Trillo.
Kontrobersyal na seryeng 'My Husband's Lover,' muling matutunghayan sa telebisyon