
Hindi maitatanggi ng Kapuso singer at actress na si Crystal Paras na naging dream come true para sa kaniya ang mapasama sa cast ng hit musical play na Rak of Aegis. Ayon pa sa singer-actress, isa iyon sa best experience ng kaniyang buhay.
Sa interview ng GMANetwork kay Crystal, sinabi niyang sa pagitan ng singing at acting, mas prefer niya ang magteatro kung saan kumakanta at umaarte siya ng sabay. Ibinahagi rin ng Kapuso singer ang natutunan niya sa pagiging parte ng cast ng teatro.
“Of course, pinapangarap din po natin maging bida, but with Rak, I realized na theater, stage acting instead of TV acting, parang du'n ko lang na-realize, I've been acting since I was 5, du'n lang nag-realize 'yung kasabihan nila na 'There are no small roles,'” sabi ni Crystal.
Gumanap bilang isang ensemble si Crystal sa Rak of Aegis at kuwento niya, kinailangan niyang magpapalit-palit ng character sa bawat kantang inaawit nila sa play.
“Du'n po nabatak talaga,. Hindi po talaga ako sumasayaw, actually hindi ko po alam paano ako nakapasok du'n pero maraming salamat po sa tiwala. Hindi rin po ako bumibirit, again, living proof po na you can do everything if you just push [yourself],” sabi ng singer-actress.
Pagpapatuloy pa ng OST Gem, “Aegis po 'yun, mga Kapuso, hindi po talaga ako bumibirit, pero nakapasa po ako du'n and I will always cherish that kasi kasama ko mga beteranong sa teatro and hindi ko maipagpapalit 'yung mga experience na 'yun with anything else.”
Aminado naman si Crystal na gusto niyang bumalik sa teatro at sa katunayan, kailan lang ay nag-audition siyang muli halos anim na taon pagkatapos ng Rak of Aegis. Sa kasamaang palad ay hindi siya nakapasok.
Kuwento pa ni Crystal ay noong nakapasok siya bilang isa sa mga ensemble ng play, kinailangan niyang i-give up ang posisyon niya sa reality singing competition na The Clash kung saan nakasama niya sana sa season 1 sina Anthony Rosaldo at Garrett Bolden.
Aniya, sinabihan siya noon na kinailangan niyang mamili sa pagitan ng kompetisyon at ng play at pag-amin ni Crystal, inakala niyang dito na magtatapos ang pangarap niyang makapasok sa network.
Ngunit paglilinaw ni Crystal, “Maganda na rin na nangyari po 'yun, may rason din po 'yun dahil after nu'n, nagkaroon po ako ng opportunity na makapag-audition sa StarStruck, I had friends who were pushing me, helping me.
“Siyempre wala rin 'yung parents ko, nasa abroad din 'yun, kinakailangan ko ng support so they were all there for me and I will never forget it, and the rest is history. From OSTs with Playlist ngayon, kumakanta na kami ng originals,” pagtatapos ng Kapuso singer.
BALIKAN ANG KAPUSO CELEBRITIES NA LUMABAS DIN SA THEATER PRODUCTIONS SA GALLERY NA ITO: