GMA Logo cup of joe
Photo by Nherz Almo
What's Hot

Cup of Joe vocalist Gian Bernardino, mag-aartista na rin

By Nherz Almo
Published June 24, 2026 6:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chot Reyes calls for healing, end to speculations following Rene Baterbonia, Divine Adili deaths
Davao City 911 Team, mibalik na human ang response mission I One Mindanao
Animated adaptation of 'Zsazsa Zaturnnah' earns standing ovation in France

Article Inside Page


Showbiz News

cup of joe


Maggu-goodbye na rin Gian Bernardino sa kanyang signature red hair, “Last n'yo na 'to makikita, guys.”

From stage to screen, handa na ang isa sa mga vocalist ng sikat na bandang Cup of Joe na si Gian Bernardino na tuparin ang isa pa niyang pangarap: ang maging artista.

Ayon kay Gian, ito ang una niyang pangarap bago siya maging isang music artist.

“To be completely honest, first love ko talaga ang film in its essence. Noong lumalaki ako noong bata ako, I think, it's every child's dream na makita nila ang sarili nila sa TV screen. I mean, ako, personally. And bilang isang anak ng OFW, na lumaki sa Qatar, ang naging escape ko lang noong nag-a-adjust kami, nanonood kami ng TV,” pag-alala niya nang makaharap niya ang GMANetwork.com at iba pang entertainment media sa inihandang press conference para sa kanya ng Viva Entertainment nitong Martes, June 23. Ito ay para ianunsyo ang kanyang pagpirma ng talent management at film contracts sa naturang kumpanya.

Patuloy niya, “Even before I discovered na gusto ko ring maging performer, gusto ko muna maging artista. It's definitely one of my plans entering the industry. But then, I guess it just feels the perfect timing na since I believe we've achieved great lengths na in terms of music. And I want to expand my artistry by entering film din.”

Nilinaw din niya na bagamat mahahati na ang kanyang atensyon sa music at acting projects, hinding-hindi niya pababayaan ang unang nagpakilala sa kanya sa entertainment industry.

Paliwanag ni Gian, “Ako naman kasi, parang ever since, ang pinakaprinsipyo ko as a person, I wanna live for the arts. Parang ito ang gusto kong gawin hanggang pagtanda ko. I won't treat it [acting career] as a distraction siguro. I will treat it as something that will make me a better artist, kumbaga.

“Kung na-start ko ang childhood ko as a performer, I want it to be fully realized ngayon na abot-kamay ko na yung mga ganitong opportunities. There will definitely be a lot of challenges, pero I won't treat it as a distraction.”

Hangga't maaari, pipilitin daw niyang maging balance ang kanyang atensyon sa music at acting career.

“It feels long overdue na rin kasi, yun nga, simula noong bata ako, ito na yung gusto kong gawin bago maging singer. Thankful ako na along the way ay nagkaroon pa rin ng opportunity. Excite na akong patibayin ang credibility ko sa art form na ito. Ayun, pagbubutihin kong paghandaan ito kasi alam kong it's never too late,” sabi ng 24-year-old OPM artist.

Hindi na bago si Gian pagdating sa acting. Noong pandemic, naging bahagi siya ng digital series na Quaranthings (2021), at short films na Kubli (2022) and Microplastics (2023). Umarte na rin siya sa music videos ng “Bagong Buwan” ng drag queen na si J-Quinn at “Sino Ang Tanga” ng singer-actress na si Maris Racal. Nagkaroon na rin siya ng directorial debut sa pamamagitan ng music video ng hit song ng Cup of Joe na "Sandali,” na na-release noong September 2025.

Para kay Gian, kakaibang experience naman daw ang nararamdaman niya bilang artista kumpara sa pagiging music artist.

“I'm a storyteller by heart. Every time na nabibigyan ako ng acting project, I get to see myself in a different perspective. In a way, napaghuhugutan ko rin ng inspiration yung mga istorya na ginagampanan ko.

“Ibang experience din ang makapag-express in a different point of view. Ever since, I really love the art of filmmaking, sa buong aspects 'yan—sa production, mga artista na gumaganap, editing. Kaya ang lalim ng pagmamahal ko sa behind-the-scenes at on-screen people.”

Related gallery: From stage to screen: Filipino singers who also slay at acting

Cup of Joe's reaction

Dahil sa kanyang pagso-solo bilang isang artista, isa pang agad na tanong kay Gian ay kung ano ang naging reaksiyon ng kanyang bandmates.

Ayon kay Gian, full support naman daw sa kanya ang co-members niya sa Cup of Joe.

“Ever since nag-start kami, they've always seen me as that full-rounded performer. Noong pandemic pa lang, nag-try na akong sumali sa indie films and series. Sabay-sabay din naming pinapanood yun. Noong sinabi ko sa kanila, full support naman sila. I'm really thankful for that,” ani Gian.

Hindi rin daw ito magiging hadlang sa patuloy na pamamayagpag ng kanilang karera bilang isang banda.

“Ngayon, talagang intact kami as a band,” paninigurado ni Gian.

Dagdag pa niya, “We're very much open in communicating with each other and nase-set naman yung boundary na itong gagawin ko ngayon it's really sa film and TV.”

Kasabay ng kanyang pagsisimula sa pag-arte, maggo-goodbye na rin si Gian sa kanyang signature red hair bilang parte ng kanyang rebranding.

“Last n'yo na 'to makikita, guys,” sabi ni Gian sa entertainment press habang hawak ang kanyang buhok.

“I feel like ganun ako ka-committed sa art, to the point na talagang ie-embody ko kung ano yung kailangan kong gawin. Nabanggit ko rin ito last time, at this point, parang ready na muna akong itong—'Si Gian Bernardino ba 'yan?!' Para maging mas committed sa mga role na ibibigay sa akin. Pati nails? Ugh, opo! Para mas madaling mag-camouflage or mag-transform.”

Hirit pa niya sa huli, "Siguro, ang puwede kong gawin, kapag magpe-perform, mawi-wig ako ala-Hannah Montana, my fantasy. ”

Related gallery: Celebrities and their eye-catching hair colors: