GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Cute young actors and actresses, magpapakita ng talino sa 'Family Feud' kiddie edition

By Maine Aquino
Published June 29, 2026 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Pump price adjustments on Tuesday, June 30, 2026
LPA inside PAR may develop into tropical depression within 24 hours
Celebrating Pride with music and drag performances

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Cuteness, talent, and intense na hulaan ang mapapanood ngayong June 29 sa 'Family Feud!'

Lunes na puno ng kiddie cuteness, talento, at nakaka-excite na hulaan sa ang mapapanood sa Family Feud!

Ngayong June 29, ipakikita sa kiddie edition ng Family Feud ang eight of the country's most promising young actors and actresses.

Sa Team Born to Bida, maglalaro ang apat na batang aktres na ipinapakita ang kanilang talento sa pelikula at telebisyon.

Si Atasha Franco (10 years old) ay beterana na agad sa horror movies dahil napanood na siya sa mga (Metro Manila Film Festival) MMFF films na Kampon at Espantaho. Kasama niya si Ayisha Ical (11 years old), ang versatile young actress na lumabas na sa iba't ibang short films at children's TV shows; si Yangyang Ical (nine years old), ang pinakabata sa grupo na nakilala bilang "Baby Deshna" sa Encantadia at gumanap din bilang batang Elsa sa MMFF musical na Isang Himala; at si Chrisha Dariano (11 years old) na napanood sa Lolong, ang pelikulang Quezon, at ang stage production ng Florante at Laura.

Family Feud

PHOTO SOURCE: Family Feud

Makakatapat nila ang Sining Bulilit Kids, na mula naman sa Sining Bulilit, isang workshop na humuhubog sa talento ng mga kabataan.

Maglalaro ngayong araw si Caleb Acheco (11 years old), member ng Dance Sport team ng kanilang school, kung saan ang specialty niya ay Waltz at Tango. Kasama niya sina Kean Ventura (10 years old) na naging bahagi ng TV series na The Master Cutter; si Ellha Romano (nine years old), isang batang negosyante na natutong gumawa ng DIY bracelets, keychains, at stickers sa pamamagitan ng YouTube tutorials; at si Kiyanna Antaran (12 years old), ang pinakamatanda sa grupo at isang certified triple threat dahil mahilig siyang umarte, sumayaw, at mag-model.

Patalinuhan ng cute na kiddie contestant ang masasaksihan sa fresh episode ng Family Feud ngayong June 29, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.