GMA Logo Daddys Gurl episode on October 30
What's on TV

Daddy's Gurl: Barak, magkakaroon ng anak na manananggal?

By Aedrianne Acar
Published October 28, 2021 4:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: Marcos will have working Christmas holidays
Fr. Gianluigi Colombo, founder of Amici Philippines, passes away
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Daddys Gurl episode on October 30


Humanda kay Maine-nananggal ngayong Sabado ng gabi.

Ingat sa paggamit ng skincare products at baka matulad kayo kay Stacy (Maine Mendoza).

Habang nagkukuwentuhan ng katatakutan sina Stacy at Jem (Jem Manicad), mapapansin ng cosplayer boarder ng Otogan ang isang lotion at ipapagamit niya ito kay Stacy.

Noong una, nagustuhan ni Visitacion ang epekto nito dahil gumanda ang kanyang balat. Pero, laking gulat ni Stacy nang unti-unting nahati ang kanyang katawan at naging isa siyang manananggal!

Ano ang magiging reaksyon ng Tatang Barak (Vic Sotto) niya sa kanyang scary transformation?

Bigla kayang mag-alisan ang ibang boarders nila na sina Carlos (Prince Carlos), Prince (Prince Clemente), at Carlo (Carlo San Juan) sa nangyaring kababalaghan na ito?

Walang a-absent sa Halloween special ng paboritong sitcom ng bayan na Daddy's Gurl, ngayong Sabado ng gabi, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).

Related content:

Maine Mendoza, sobrang thankful sa dami ng opportunities na natanggap niya kahit may pandemic

Vic Sotto, sinabing 'very special' ang PMPC Best Comedy Actor award ngayong may pandemya

'Daddy's Gurl' director Chris Martinez welcomes challenges doing the sitcom amid ongoing pandemic