GMA Logo Family Feud Dagul
What's on TV

Dagul, emosyonal nang manalo ang pamilya ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published August 15, 2022 8:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Dagul


Malaki ang pasasalamat ni Dagul sa 'Family Feud' nang mabigyan sila ng pagkakataon na makapaglaro sa nasabing game show.

Naging emosyonal ang batikang komedyante na si Dagul Pastrana nang manalo ang kaniyang pamilya ng PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes sa episode ng game show ngayong Lunes, August 15.

Hindi naitago ni Dagul ang kanyang emosyon nang tanungin siya ni Dingdong kung ano ang kanyang masasabi sa kanilang pagkapanalo.

Aniya, "Ako po ay nagpapasalamat sa Family Feud na nabigyan ako ng pagkakataon na makapaglaro kami dito malaking bagay po ito para sa amin. Maraming salamat po."

Sa nasabing episode ng Family Feud, nakalaban ng pamilya ni Dagul ang pamilya ng singer-vlogger na si Lyca Gairanod.

Dikit ang labanan ng dalawang team sa first and second round pero nakabawi ang team Pastrana sa mga sumunod na round hanggang sa umabot sila sa fast money round kung saan nakakuha sila ng 214 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang United Foundation bilang napiling beneficiary ng team Pastrana family.

Tumutok naman sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 ng hapon sa GMA.

SILIPIN NAMAN ANG MGA LARAWAN SA EPISODE NG #MPK TAMPOK ANG KUWENTO NI DAGUL SA GALLERY NA ITO: