
Tila matalas ang pakiramdam ng ex-boyfriend ni Grace (Sanya Lopez) na si Alex (Jon Lucas) tungkol sa kanyang oppa.
Sa Sunday episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko, nagpupumilit pasukin ni Alex ang kuwarto ni Yoon Bin/ Robot oppa (Gil Cuerva) sa resort para magkausap sila.
Pinigilan naman ni Toti (Derrick Monasterio) ang lalaki na alam na ang sikreto na tinatago ng kaibigan na ang kanyang boyfriend ay isang robot.
Source: GMA Network (YT)
Sa pagmamatigas ni Alex na makita si Yoon Bin, tuluyan na ba malaman nito na nakuha lamang sa online shop ni Grace ang “perfect oppa” niya?
Balikan ang eksena na ito sa Daig Kayo Ng Lola Ko last November 21 sa video below.
Heto naman ang ilan pa sa trending scenes sa 'Oh My Oppa.'
A friend's confession
Fifi and Grace's mini beauty pageant face-off
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com.