
Mas lalong napapalapit ang loob ni Lady (Barbie Forteza) kay Luke (David Licauco) sa pagpapatuloy ng kanilang nakakakilig na magical adventure sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
Shocking ang revelation this Saturday night (June 15) dahil ang nangkukulam pala kay Lady ay ang kapatid niya mismo na si Sabrina (Zonia Mejia) na nagagalit sa pagiging controlling nito.
Muntik pa mahuli si Sabrina ni Luke sa ginagawa niyang pangkukulam kay Lady sa may elevator exit. Nakatakas man, maiiwan niya ang voodoo doll.
Pupuntahan ni Luke si Lady para ipakita ang sinumpang doll at yayain nito ang dalaga na puntahan ang kanyang lolo na isang shaman.
May magawa kaya ito sa malaking suliranin ni Lady tungkol sa kababalaghang nararanasan niya?
Hanggang kailan maitatago ni Sabrina ang lihim niya na siya ang tunay na nagko-control sa kanyang Ate Lady?
Mas kaabang-abang ang Part 3 ng 'Lady & Luke' story sa high-rating magical fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko, ngayong June 15 sa oras na 9:30 pm.
REASONS WHY FILAY IS THE NEXT BIG LOVETEAM TO WATCH FOR: