
Buhay ang magiging kapalit ng magiging desisyon ni Pip (Allen Ansay) sa pagpapatuloy ng kuwento ng “Be the Bes” sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa darating na June 11.
Kailangan ni Pip (Allen Ansay) kunin ang puso ni Tarzie (Sofia Pablo) para mailigtas ang kapatid na si Fort (Sean Lucas). 'Yun nga lang, hindi niya ito magagawa dahil ayaw niyang patayin ang bago niyang kaibigan.
Paano maililigtas ni Pip si Fort nang hindi kikitlin ang buhay ni Tarzie?
O ang mga kapatid ba niya na sina Uno (Vince Maristela), Dos (Larkin Castor), at Thirdy (Raheel Bhyria) ang gagawa ng napakahirap niyang misyon?
Bida sa "Be the Bes" episode ang Sparkle loveteam nina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Kasama rin ng dalawa ang Sparkada members na sina Vince Maristela, Larkin Castor, Raheel Bhyria, Sean Lucas, at Tanya Ramos.
Mapapanood din sa magical episode ng high-rating fantasy series sina John Vic de Guzman, Kirst Viray, Lyra Micolob, at Richard Quan.
Walang bibitaw sa adventures nina Tarzie at Pip sa all-new episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong June 11, bago ang Happy ToGetHer.
TINGNAN ANG KILIG PHOTOS NG ALFIA DITO: