
Nag-viral ang isang dambuhalang buwaya na namataan sa isang fish port sa Cavite.
Pinagkaguluhan ang buwaya na nakatali at nakasilid sa netting para hindi makatakas.
Image Source: gmapublicaffairs (Instagram)
Ngunit hindi pala ito tunay na buwaya kundi isang animatronic prop mula sa upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Isa ito sorpesa sa para pagbabalik ng seryeng Lolong para sa ikalawang season nito.
Ito ay si Dakila, kilala rin sa palayaw niyang Daks, ang dambuhalang buwaya na kaibigan ng bidang si Lolong, karakter ni primetime action hero Ruru Madrid.
Isa itong animatronic prop na may habang 22 feet.
Gawa sa fiberglass ang katawan nito, habang silicone ang ginamit na balat nito para mas magmukhang makatotohanan.
Napapagalaw si Dakila sa tulong ng 14 tao gamit ang pneumatic technology o 'yung pagbubuga ng compressed air sa makinarya nito.
Bukod sa animatronic prop, may computer generated image (CGI) version din si Dakila.
Likha ito ng GMA Post Production team na gumamit ng mock-up crocodile head at chroma crocodile para mas mailapat nang maayos ang graphics sa bawat eksena.
Pinagaralan din nila nang mabuti ang galaw ng mga buwaya pati na ang texture ng balat ng mga ito para mas maging makatotohanan si Dakila.
Sa kuwento ng Lolong: Bayani ng Bayan, katuwang ni Lolong si Dakila sa pagprotekta sa bayan ng Tumahan.
May natatago din siyang kapangyarihan na babago sa isla kung saan nakatira ang mga Atubaw.
NARITO ANG SNEAK PEEK SA MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN:
Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, simula January 20, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.