GMA Logo Lolong
What's on TV

'Lolong,' gagamit ng 22-foot animatronic at CGI crocodile na nagngangalang Dakila

By Marah Ruiz
Published June 4, 2021 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong


Abangan si Dakila, ang dambuhalang buwaya sa adventure seryeng 'Lolong,' na pinakamalaking animatronic prop ng Kapuso Network.

Talagang kaabang-abang ang buwayang tampok sa dambuhalang adventure serye sa Philippine primetime na Lolong.

Malaki rin ang magiging role ng buwayang ito sa istoryang pagbibidahan ni Ruru Madrid, na gaganap bilang si Lolong.

Bahagya nang ipinasilip ang buwayang si Dakila sa unang teaser ng upcoming action-adventure series.


Para mabigyang-buhay ito, gumamit ang programa ng magkahalong animatronics at computer-generated imagery (CGI).

"Actually, half 'to, e. Every sequence, we're going to use live animatronics Dakila, 'tapos CGI. So, dalawa 'yung gagawin ko, parating pagsasabayin sila. Animatronics and CGI, pagsasamahin ko siya. First time 'yun gagawin, ah," pahayag ng direktor ng serye na si Rommel Penesa.

Si Dakila ay isang animatronic crocodile na 22 feet ang haba. Fiberglass ang katawan nito habang silicone naman ang ginamit para mas maging realistic ang balat nito.

Napagagalaw ito sa pamamagitan ng pneumatic technology o 'yung pagbubuga ng compressed air sa makinarya nito. Umaabot ng hanggang 14 tao ang kailangan para mapagalaw si Dakila.

Si Dakila ay dinisenyo ng Tawong-Lipod Creative Studio, na kilala sa paggawa ng special at practical effects para sa telebisyon at mga pelikula.

Ito ang pinakamalaking animatronics prop na gagamitin ng GMA para sa isang proyekto sa Philippine primetime.

Lalo pa itong pinaganda ng CGI na mula sa GMA Post Video Graphics team. Gumamit sila ng mock-up crocodile head at chroma crocodile para mas mailapat nang maayos ang graphics.

Lolong on GMA Telebabad


Inaral din nila nang maigi ang galaw ng mga buwaya pati na ang texture ng balat nito para mas maging makatotohanan si Dakila.

Ayon sa produksiyon ng Lolong, pinili nilang paghaluin ang animatronics at CGI para mas maging "present" si Dakila sa mga eksena ng programa.

"Sinulat namin 'yung mga eksena ni Dakila na hindi muna namin iniisip 'yung restrictions as to what to do. If you're going to write a scene na iniisip mo muna 'yung mga ganoong details, medyo nali-limit 'yung movement noong character," paliwanag ni Reign Loleng, isa sa headwriters ng show.

Bilib din siya sa pagsisikap ng produksiyon na dalhin sa screen ang mga sinulat nila.

"Sinulat namin siya as freely as we want. We are so happy na na-accommodate naman kami nina direk [Rommel Penesa] at saka ng production team as to how to go about it. Whatever it is that we are writing, we're very hapy na laging sagot sa 'min ng production, 'Gagawan natin ng paraan,'" lahad ni Reign.

Madalas din daw makikita si Dakila sa serye.

"Kaya siya naging ganoon (combined animatronics and CGI), simply because Dakila is not just going to be lurking in the rivers. Marami rin naman tayong makikita sa kanya dito," sambit ni Reign.

Ang Lolong ay produksyon ng GMA News and Public Affairs at mula sa orihinal na konsepto ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho.

Huwag palampsin ang Lolong, ang dambuhalang adventure serye sa Philippine primetime, malapit na sa GMA Telebabad!