
Nasaksihan noong Sabado ang mapait na sinapit ni Jenny sa sariling ama sa "Boso" episode ng Wish Ko Lang.
Sa panayam sa Wish Ko Lang, sariwa pa rin sa alaala ni Jenny ang pananamantalang ginawa ng ama. Masakit din para kay Vilma ang sinapit ng kanyang anak.
"Takot po, kasi hindi ko po alam kung bakit niya ginagawa sa akin 'yun," pagbabahagi ni Jenny.
Dagdag ng ina nitong si Vilma, "Hindi niya kaya proteksyunan ang anak niya. Imbes na siya [ang] magproteksyon, siya ang gagawa ng hindi maganda."
Kaya naman agad na kumilos ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales para maghatid ng pag-asa at bagong simula sa mag-inang Jenny at Vilma.
Una na rito, inilapit ng programa ang mag-ina sa isang abogado para mabigyan ng legal assistance.
Ipinakiusap din ng Wish Ko Lang sina Jenny at Vilma sa isang clinical psychologist para matulungan sa pinagdaraanan nilang trauma.
Bukod sa legal at medical assistance, naghanda rin ang programa ng negosyo packages para sa mag-ina. Kasama na rito ang general merchandise, toys business, yema spread business, fish sauce products, at groceries.
At para matulungan si Jenny na maabot ang pangarap na maging isang chef, isang scholarship ang handog ng programa para sa kanya.
Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang para kina Jenny at Vilma.
Abangang kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ng programa ang susunod na tampok sa "A Mother's Love" ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Claire Castro sa gallery na ito: