GMA Logo family feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Dalawang grupo ng mga bibong bata, maiuwi kaya ang jackpot sa gitgitang laban sa 'Family Feud?'

By Maine Aquino
Published August 24, 2026 11:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November

Article Inside Page


Showbiz News

family feud


Narito ang mga aabangan sa latest kiddie edition showdown sa 'Family Feud' ngayong August 24.

Muling mapapanood ang exciting kiddie edition ng Family Feud ngayong Lunes.

Maghaharapngayong August 24 ang two sharp and charming groups of young actors na kasalukuyang nagsasanay sa kanilang acting workshop.


Maglalaro sa Team Pretty sina Denise Aquino, 11-year-old na versatile performer at marunong umarte, sumayaw, at kumanta. Makakasama rin niya si Darlyn Salang, ang 10-year-old na mahilig sa music at certified fan ng mga kantang sumikat noong 1990s.

Kasama rin si Ellie Cruz, 9-year-old talented dancer na may kakaibang twist sa kanyang routines dahil gumagamit siya ng hula hoops. Samantala, maglalaro rin para sa Team Pretty si Jerov Marindo, 9-year-old na mahilig magbasa at makinig sa music.

Family Feud

PHOTO SOURCE: Family Feud

Hindi naman pahuhuli ang Team Pogi nina Keen Russia Acero, 12-year-old na may pageant title na Mister Eco Globe 2026. Makakasama rin si Zion Xavier Castillo, 10-year-old na kinoronahang Mister Marilao, Bulacan 2026.

Nariyan din si Zane Aedan Gernal, ang 9-year-old child model at itinanghal na Millennial Mannequin Philippines 2025. At para kumpletuhin ang Team Pogi, makikipagsabayan si Kobe Sacdal, ang 10-year-old na may hawak na dalawang titles na Pacific Idol 2026 at Ginoong Agham 2025.

Abangan kung sino ang magwawagi sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 24, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.