
Puno ng energy sina Faith Da Silva, Kuya Kim Atienza at Jayson Gainza nang sila ay gumawa ng dance video sa General Santos City.
Ang TiktoClock stars na sina Faith, Kuya Kim, at Jayson ay nakisaya sa ginanap na Kalilangan Festival sa Gensan. Nakasama rin nila sa pagbibigay saya sa mga Kapuso sa Gensan sina Xian Lim at Ashley Ortega.
Ang dance moves ng tatlo ay napanood sa TikTok account ni Faith na @faithdasilva29
Ani Faith, "Tiktropa at Gen San!!!!! @jayson gainza #KuyaKim"
Nakakahuha ng maraming komento si Kuya Kim dahil sa kaniyang dance moves.
Komento ng isang netizen, "naaawa nako kay kuya kim mukang hirap na hirap sya HAHAHAHAHA 😅"
PHOTO SOURCE: Tiktok
Saad ng isang netizen, "ang kulit Ng dalawa sa likod hahahaha ❤️❤️❤️"
PHOTO SOURCE: Tiktok
@faithdasilva29 Tiktropa at Gen San!!!!! @jayson gainza #KuyaKim ♬ original sound - Dennis Tayag
Aliw na aliw rin ang isang netizen dahil kay Jayson, "Si kuya Jayson parang, "Sige na nga sayaw na lang ako" 😂😭😂"
PHOTO SOURCE: Tiktok
Komento naman ng isang nakapanood ng video ay buti na lang hindi natamaan ni Faith sa taas ng energy nito sa pagsayaw.
PHOTO SOURCE: Tiktok
Sa kasalukuyan ay umabot na sa 1.6 million views ang nakakaaliw na video ni Faith, Kuya Kim at Jayson.
Abangan ang kulitan nina Faith, Kuya Kim, at Jayson sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:15 a.m. kasama sina Pokwang at Rabiya Mateo.
SAMANTALA, BALIKAN ANG KANILANG MASASAYANG MOMENTS SA KALILANGAN FESTIVAL SA GENSAN: