GMA Logo Danica and Marc Pingris Family
Source: danicaspingris/IG
Celebrity Life

Danica Sotto-Pingris, nagbibigay-gabay sa mga anak sa paggamit ng social media

By Kristian Eric Javier
Published May 30, 2024 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Danica and Marc Pingris Family


Sa panahon ng digital age at social media, may munting paalala si Danica Sotto-Pingris sa kanilang mga anak. Alamin dito.

Aminado ang celebrity mom na si Danica Sotto-Pingris na isa sa mga pinaka-challenging ngayon bilang isang magulang ay ang madaling access ng mga anak sa social media. Dahil bilang celebrities, hindi maiiwasan ang mga intriga at pinapaalalahanan nila ng asawang si Marc Pingris ang mga anak sa paggamit nito.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, ibinahagi ni Danica na kinausap na nila ni Marc ang kanilang two older kids na 16 at 13 years old para magabayan. Ipinaliwanag din nila sa mga ito na hindi kasalanang ipanganak sa pamilya na meron sila ngayon.

“Nagsabi 'ko, 'Una mommy's family pa lang, mga politicians, actors, actresses, tapos parang siyempre daddy also was a former basketball player. So parang obviously, exposed tayo sa lahat,'” pag-alala niya.

“So parang sinabi lang namin na masaya ang social media, we get to communicate with the people we love. Dami rin natin natututunan through social media but at the same time be mindful of the things that you read and the things that you see,” pagpapatuloy ni Danica.

TINGNAN ANG ADORABLE PHOTOS NG BUNSONG ANAK NILA DANICA AT MARC NA SI JEAN LUC SA GALLERY NA ITO:

Pinaalalahanan din nila umano ang kanilang mga anak na maging mindful sa ipapasok sa kanilang isip at importante na alam nila kung ano ang totoo sa kanilang pamilya.

Naka-relate naman si Danica sa kanilang mga anak dahil sa naranasan niya bilang anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Alam niya kung ano ang pakiramdam nang hinuhusgahan dahil dito.

“Dalawa lang naman 'yan. They like you, they hate you. So ini-explain ko lang, not everybody will like you. Some people will be there to cheer for you, to support you, but some people will do everything to bash you or to put you down,” paliwanag niya.

Ayon pa kay Danica, habang may mga tao at fans na gusto silang manaitiling magkasama ni Marc, meron ding gusto silang paghiwalayin. Kaya bukod sa pakikipag-usap sa kanilang mga anak at pagiging transparent, importante sa kanila ngayon ang prayers.

“But then again, okay na din na, kasi actually di naman nila talaga maiiwasan 'yan. Kasi inisip ko din, even if wala kaming issue or whatever, or walang something, digital age, may social media ka, may Instagram ka, may FB ka, handa ka dapat, handa ka sa kung anong meron,” sabi niya.

Sa huli, nagbigay ng paalala si Danica hindi lang para sa mga anak niya, kundi maging sa iba pa nilang mga kakilala, “What you see in social media is just partial truth. Kahit kunwari mag-post kami, kaya nga never ever compare your life to someone else online. Kasi hindi mo alam ang totoong story.”

Pakinggan ang buong interview ni Danica rito: