
Para kay Danica Sotto-Pingris, isang challenge at privilege ang maging anak ng malalaking celebrities katulad ng kaniyang mga magulang na sina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Pero paglilinaw ng aktres, never siyang na-insecure tuwing naikukumpara siya sa mga ito.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento ni Danica kung papaano naging mahirap at isang privilege ang maging anak nina Vic at Dina.
Aniya, “Privileged kasi parang dahil ang daming mga may fan or idols sa parents mo o tagahanga. Siyempre parang natutuwa din sila sa'yo ganun. At the same time siguro 'yung parang tough part, I wouldn't say super tough, medyo lang. You're always getting compared to your parents.”
Habang lumalaki ay nakukumpara siya sa kaniyang inang si Dina at sinasabing kawawa siya dahil hindi niya umano ito kamukha. Reaction ni Danica sa mga ganitong komento, “'Di ba pwedeng dumaan sa awkward stage?”
Pero paglilinaw ni Danica, hindi siya nalungkot o na-insecure tuwing may papuri kay Dina. Kahit mga kaibigan niya noong high school ay talagang crush ang kaniyang ina.
“Kasi ang ganda talaga ni Mommy. Alam mo, hindi ako naiirita. Napa-proud pa ako. Na 'Uy, mommy ko 'yan ah,'” sabi niya.
TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITY KIDS NA PARTE NA RIN NG SHOWBIZ NGAYON SA GALLERY NA ITO:
Pero pag-amin ni Danica, hindi siya naapektuhan ng mga ganitong issue, kundi sa mga pribadong moments or affairs ng kanilang pamilya, kabilang na ang hiwalayan ng kaniyang mga magulang.
“Siyempre parang nagiging open book siya sa public. So 'yun 'yung tough part din. 'Yung parang feeling mo pumapasok 'ko sa school, tapos parang tinitingnan 'ko ng mga tao kasi may bagong rumor tungkol sa parents mo,” aniya.
Kaya naman blessing mula sa Diyos na maituturing ng aktres ang mga mabubuting kaibigan na ipinaramdam sa kaniya ang pagmamahal. Bukod pa doon, naramdaman din niya ang pagmamahal ng kaniyang mga magulang kahit pa naghiwalay na sila.
“Nakatulong 'yan para hindi mo naiisip 'yung mga outside forces d'yan na nanggugulo, mga naysayers, ganyan,” pagbabahagi niya.
Pakinggan ang buong interview ni Danica rito: