
Kilala ng marami si Danica Sotto-Pingris bilang isang proud at hands on mom sa mga anak nila ni Marc Pingris.
Sa Instagram, kinagigiliwan ngayon ng followers ni Danica ang latest reel na in-upload ng celebrity mom.
Mapapanood dito ang nakatutuwang bonding moment nina Danica at ang kanyang bunsong anak na si Jean-Luc.
Gallery: The adorable photos Jean Luc, youngest son of Danica and Marc Pingris
Cute na cute si Jean-Luc habang aliw na aliw sa tunog ng bahing ng kanyang mommy.
Sulat ni Danica sa caption, “Yung simpleng sound ng sneeze tuwang-tuwa na siya.[Jean Luc].”
Kasunod nito, binanggit din ni Danica sa caption kung gaano niya na-appreciate ang simpleng kaligayahan ng mga bata na tulad ng kanyang baby boy.
“I just love how babies find joy in simple, unexpected things.”
“This serves as a reminder for us to cherish wondrous moments in life that often go unnoticed,” dagdag pa niya.
Matatandaang January 2023 nang dumating si Jean-Luc sa buhay nina Danica at Marc.
Ang mga nakatatandang kapatid ni Jean-Luc ay sina Jean-Michel at Anielle Micaela.